I-ACT, nanita ng mga PUB at PUJ sa Quezon City

I-ACT, nanita ng mga PUB at PUJ sa Quezon City

NAGSAGAWA ng inspeksyon ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa mga bus at mga jeep sa Barangay Ramon Magsaysay sa Quezon City.

Para siguraduhing sinusunod ng mga tsuper ang mga itinakdang guidelines sa seating capacity sa mga Public Utility Vehicles (PUV) na 50 percent.

Sa kanilang pagbabantay, may pinababa silang pasahero dahil may bitbit itong bata kung saan mahigpit itong ipinagbabawal ng IATF dahil madali silang mahawaan ng virus.

Nakikita ni Colonel Bonnevie na kadalasan hindi maayos ang pagsuot ng face shield.

Kaya paulit ulit nitong pinaalalahanan ang publiko na suotin ito ng tama at hindi nakababa.

Binantayan at ininspeksyon ng mga awtoridad ang mga lugar dahil marami na silang reklamong natanggap sa sobrang haba ng pila ng mga bus kung kaya’t natatakpan na ang mga establisyimento.

Nitong lunes sa kanilang pagbabantay sa EDSA Carousel Bus station at sa Mc Arthur Highway sa Bocaue, Bulacan ay may 116 ang nasita na mga sasakyan kung saan 118 na mga indibidwal ang natikitan.

Kasama sa kanilang nilabag ang hindi pagsuot ng seatbelt, hindi saktong pagsuot ng helmet at iba pang violation.

Tuloy-tuloy din ang paalala ng I-ACT para sa mga mananakay para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Pinaalalahanan din ni Bonnevie ang mga mamang tsuper na panatilihin ang pagsunod sa mga health protocols sa loob ng sasakyan lalong-lalo na sa mga mananakay.

Wala namang nakitang problema sa mga bus dahil strikto nilang pinapatupad ang 50 percent capacity na kailangan lamang isakay.

SMNI NEWS