Humanitarian organizations ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nanguna sa pamamahagi ng tulong sa Visayas at Mindanao

Humanitarian organizations ni Pastor Apollo C. Quiboloy, nanguna sa pamamahagi ng tulong sa Visayas at Mindanao

KATUWANG ang SMNI Foundation Inc, Children’s Joy Foundation at Sonshine Philippines Movement matagumpay na pinangunahan ni Pastor Apollo C Quiboloy ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Libu-libong balde ng relief package, food packs, at libreng tubig na maiinom ang ipinagkaloob ni Pastor Apollo sa mga biktima ng kalamidad.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat na ipinaabot ng mga residente at benepisyaryo ng Maasin City at Surigao City LGU, Bohol at Cebu para sa butihing Pastor mula sa mga regalong kanilang tinanggap.

Bagama’t hirap pa sa pagbangon, marami ang natuwa at emosyonal na nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Pastor Apollo dahil hindi anila ito nakalimot na bisitahin at bigyan ng tulong sa lalong madaling panahon.

Hanggang ngayon, nagpapatuloy pa rin ang pamimigay ng ayuda ng grupo ni Pastor Apollo sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao bago mag-Bagong Taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *