Huling SONA ni Pangulong Duterte, 95% nang handa —House of Representative

Huling SONA ni Pangulong Duterte, 95% nang handa —House of Representative

PUSPUSAN na ang paghahanda ng House of Reprensentatives para sa nakatakdang huling SONA ni Pangulong Duterte sa Lunes, ngayong Hulyo 26.

Sa panayam ng SMNI news kay House of Reprensentatives Secretary General Mark Llandro Mendoza, sinabi nito 95% nang handa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa huling SONA ng Pangulong Duterte.

Tiniyak ni Mendoza na masusunod ang minimum health protocols lalo pa’t may banta ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Sa loob ng Session Hall kung saan maglalahad ng huling talumpati ang Pangulo hanggang 60 na mesa lamang ang ilalagay upang matiyak ang social distancing at masunod ang IATF regulations sa kapasidad ng lugar.

Papayagan lamang ang 300 katao sa loob ng Session Hall ayon kay Mendoza, at kinakailangan na ang dadalo ay magpresenta ng negative RT-PCR at Antigen test results, Vaccination card na nagpapatunay na nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19.

Dadaluhan ng mga opisyal ng Malacañang, counterpart sa Senado, security ng punong ehekutibo, ilang miyembro ng gabinete at iba pang mga VIPS gayundin ang mga piling mambabatas ang huling SONA ni Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, isasailalim rin sa tatlong araw na lockdown ang Batasang Pambansa simula ngayong Hulyo 23 hanggang 25.

Siniguro naman ni Mendoza na walang magiging aberya sa paglalahad sa bayan ng huling talumpati ng Pangulo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *