Google Android
Business

Huawei, umaasang maibabalik ang Google Android sa kanilang smartphones

NAGPAHAYAG ang Chinese telecommunications giant na Huawei noong Lunes na hinihintay nito ang permiso mula sa U.S. Department of Commerce para muling magamit ang Google Android sa kanilang bagong smartphones.

Ito ay kaugnay sa naunang pahayag ni US Pres. Donald Trump na papayagan nito ang muling pagbebenta ng US technology supplies sa Huawei sa nakaraang G20 Summit sa Osaka, Japan noong Hunyo.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Commerce Dept. ng US kung kabilang nga ba ang Google Android sa nasabing pahayag ng US president.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *