Sports

Houston Rockets Russel Westbrook, 2 manlalaro ng NBA, nagpositibo sa COVID-19

INIHAYAG ni Houston Rockets Star na si Russel Westbrook na nagpositibo siya sa COVID-19.

 

Sa kanyang mga official social media channels, kinumpirma nito na nagpositibo siya sa virus bago pa man siya makasama sa paglipad ng kanyang mga teammates sa Walt Disney World Orlando kung saan ipagpapatuloy ang naudlot na season ng NBA.

 

Sinabi din ni Westbrook na kasalukuyan siyang naka-quarantine at maganda ang kanyang pakiramdam at umaasa siyang muling makasama ang kanyang teammates sa oras na gumaling na siya sa virus.

 

Dalawang manlalaro naman ng NBA ang isinailalim sa 10-day quarantine dahil sa pag-alis ng mga ito sa campus perimeter sa Walt Disney World.

 

Samantala, inanunsyo din ng liga na dalawa din sa mga manlalaro nito ang nagpositibo sa COVID-19 matapos na dumating sa Central Florida noong nakaraang Linggo.

 

Hindi naman pinangalanan ng NBA kung sino ang mga manlalarong nagpositibo at naka-quarantine.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close