National

Hontiveros, hindi lumabag sa Anti-Wiretapping Law

Walang nilabag na batas si Senador Risa Hontiveros sa pagsasapubliko ng umano’y palitan ng text message nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras.
Ayon kay Attorney Antonio La Viña, dating dean ng Ateneo School of Government, walang nangyaring wiretapping sa palitan ng mensahe nina Aguirre at Caparas.
Ito aniya ay dahil hindi naman si hontiveros ang mismong kumuha ng larawan ni aguirre at hindi rin naman sinasadya ng kumuha ng larawan na makuhaan ang pag-uusap sa text ng dalawa.
Sa nasabing text message, sinabihan ni Aguirre si paras na madaliin ang kasong isasampa laban kay Hontiveros.
Kaugnay Nito, nanawagan naman si Hontiveros na magbitiw na si Aguirre sa pwesto nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *