nahirapang makatakas
International

Hong Kong protesters, nahirapang makatakas matapos atakehin ng kapulisan ang isang university campus

NAHIRAPAN makatakas ang Hong Kong protesters ngayong lunes ng madaling-araw matapos palibutan ng Hong Kong police ang kanilang tinutuluyang Polytechnic University ilang araw na ang nakakaraan.

Tinangkang pasukin ng mga kapulisan ang university campus kung saan inatake ng mga ito ng tear gas at rubber bullets ang mga demonstrador na nagtatangkang tumakas.

Gumanti naman ang mga Hong Kong protesters gamit ang kanilang improvised weapons.

Ayon naman sa isang student union leader ay tinatayang nasa 500 pa na mga demonstrador ang natrap sa loob ng campus habang papaubos na rin aniya ang kanilang suplay ng pagkain.

Naganap ang insidente matapos lamang ang magdamag na sagupaan sa pagitan ng Hong Kong police at anti govt. protesters noong nagdaang weekend.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *