Hong Kong International Airport
International

Hong Kong International Airport, muling dinagsa ng kilos-protesta

TATLONG lalaki naman ang dinumog ng mga demonstrador sa loob ng Hong Kong International Airport.

Ayon sa mga saksi ang mga lalaki ay may hawak na identification cards na sila ay police officers mula sa mainland China.

Habang umamin naman ang pulisya ng Hong Kong na nagpadala din sila ng grupo na nakadamit pangsibilyan at umaawat sa riot.

Naglabas naman ng pahayag ang China’s Global Times, na ang isa sa mga biktima ng pag-atake ay kanilang reporter na noon ay nagco-cover lamang ng naturang kaguluhan.

Matatandaang nagsimula ang sigalot sa gobyerno ng Hong Kong at mainland China, dahilan ng kilos protesta mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *