Home Alone
Showbiz

Home Alone movie, gagawan ng remake

MAGBABALIK big screen ang minahal nating 1990s American Christmas comedy film na Home Alone.

Ito ay matapos ianunsyo ng movie production na Disney na nakatakda silang magsagawa ng remake ng sikat na pelikula.

Say ni Disney CEO Bob Iger, nakatuon ngayon ang kanilang production sa pag- reimagine ng iba’t ibang lumang hit films upang bigyang buhay para sa panibagong henerasyon.

Hindi naman nito isiniwalat kung sino ang gaganap bilang “Kevin McCallister” na noo’y pinagbidahan ng child superstar na si Macaulay Culkin.

Bukod sa Home Alone, nakatakda ding gawan ng remake ng Disney ang iba pang block busters gaya ng “Night at the Musem,” “Cheaper by the Dozen” at “Diary of a Wimpy Kid.”

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *