National

Hirit na Martial Law extension, didinggin ngayong araw ng dalawang kapulungan

PINADADALO ngayong araw sa joint session ng Kamara at Senado ang mga miyembro ng gabinete ng administrasyon at mga security officials ng pamahalaan.
 
Ito ay kaugnay sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ng isa pang taon ang Batas Militar sa Mindanao.
 
Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Farinas, inimbitahan nila ang mga cabinet at security officials upang sa oras na may mga katanungan ay agad nila itong masasagot at maliwanagan.
 
Ang joint session ng mga kongresista at senador ay gaganapin sa Plenary Hall ng Kamara mamayang 9:00 ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *