Nicki Minaj
Showbiz

Hiphop superstar Nicki Minaj, inanunsyo na ang pagreretiro sa music industry

GINULAT ng hiphop superstar na si Nicki Minaj ang publiko nang inanunsyo nito ang kaniyang pormal na pagreretiro sa music industry.

Sa social media, nabigla ang fans ng singer-rapper nang ipahayag nito ang pagtatapos ng kaniyang music career.

Paliwanag ni Nicki, alam niyang masaya na ang kaniyang mga fans sa kaniyang mga nai-ambag at narating sa kaniyang karera kung kaya’t mas nais na niyang mag-focus ngayon sa kaniyang pamilya.

Kasunod nito ay inihayag ni Nicki ang kaniyang pasasalamat at pagmamahal sa lahat ng sumusuporta sa kaniya sa loob ng labing isang taon sa industriya.

Sa susunod na buwan, inaasahang ikakasal si Nicki sa kaniyang kasintahang music executive na si Kenneth Petty.

2010 nang sumikat si Nicki matapos ilabas ang kaniyang worldwide hit na “Super Bass”.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *