BusinessNational

Hindi tamang kompyutasyon ng Meralco, dahilan ng mataas na kuryente – Cong. Fernandez

BONUS OFFER

 

IBINULGAR ni Deputy Speaker Danilo Fernandez ng 1st Distict ng Laguna ang hindi paglalabas ng Meralco ng tamang kompyutasyon ng kuryente.

 

Ito ang nakitang butas ng mambabatas kung bakit mataas ang singil sa kuryente sa mga nakalipas na panahon.

 

Sa naging panayam ng SMNI News kay Cong. Fernandez, sinabi nitong dapat malaman ng taumbayan ang tamang pormulasyon sa generation rate, transmission rate at distribution rate.

 

Samantala, punto pa ni Cong. Fernandez na may tatlong klase ng kuryente sa bansa; mula sa pinakamura o yung base load, mura o yung mid-merit at picking powerplant o mahal na kuryente.

 

At sa naging pag-aaral ni Fernandez, dapat ang tatlong klase na ito ng kuryente ay pinagha-halo-halo para hindi tumaas ang patak ng singil na taliwas sa ginagawa ng mga powerplant sa bansa kagaya ng Meralco.

 

Narito ang pahayag ni Deputy Speaker Danilo Fernandez: 

[su_audio url=”https://www.smninewschannel.com/wp-content/uploads/2020/07/FERNANDEZ.mp3″]

 

Aniya, malinaw naman itong nakasaad sa batas.

 

SMNI NEWS

Infinix

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close