Siberia
International

Hindi bababa sa 18 katao, patay sa matinding pagbaha sa Siberia

UMABOT na sa 20 ang bilang ng mga namatay at walo pa ang nawawala sa katimugang bahagi ng Siberia sa Russia.

Ito ay dahil sa matinding baha dulot ng malakas na pag-ulan sa rehiyon.

Nabatid na 55 bayan at komunidad ang tinamaan ng matinding ulan sa Irkutsk Region.

Nasa 4,000 na bahay na ang nasira, halos 200 ang naospital, habang libu-libo na ang patuloy na nagsilikas.

Kaugnay nito, inatasan naman ni Russian President Vladimir Putin ang kanilang militar para tumulong sa rescue operation.

Samantala, kinumpirma naman ni Putin na nuclear-powered ang naiulat na secret military submarine na nasunog.

Ginawa naman ni Putin ang pahayag makalipas ang tatlong araw ng insidente.

Magugunitang labing apat ang nasawi sa insidente kung saan sinasabing pawang may mga ranggong kapitan ang mga biktima.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *