huwag magkudeta
National

Hiling ni Duterte na huwag magkudeta, walang direktang pinaghuhugutan

WALANG direktang pinaghuhugutan ang umano’y hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag magkudeta sa kanyang termino.

Ito ang tiniyak ni AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo sa panayam ng Sonshine Radio at SMNI NEWS.

Ayon kay Arevalo, mula pa man noong unang pag-upo ni Pangulong Duterte sa puwesto at hanggang ngayon ay paulit-ulit na aniya itong binabanggit sa mga joint conference ng AFP at PNP.

“Sa inyo po first kong maibibigay ang sagot ko. Wala po iyang ika ngang direktang pinaghuhugutan. Bago pa lang po siyang umupo bilang pangulo at commander-in-chief, sa isang kauna-unahan naming joint AFP and PNP conference sa Malakanyang, iyan na po agad ang kanyang binanggit. Sabi po niya hindi na kailangang dadanak ang dugo, magkakaroon ng takeover,” pagbunyag ni Arevalo.

Paliwanag pa ni Arevalo, sinabi na noon ng pangulo na hindi na kailangan pang may dumanak ng dugo o makipaglabanan pa.

Handa naman umanong bumaba sa puwesto si Duterte kung meron pang mas marunong sa kanya na magpatakbo ng bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *