Higit P26-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng BOC

Higit P26-M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat ng BOC

MAHIGIT P26 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng Bureau of Customs sa Port of Davao.

Ayon kay Port of Davao District Collector Erastus Sandino Austria, kuwestiyonable ang naging deklarasyon na plastic cups sa nasabing kontrabando na parating sa Davao kaya agad na inisyuhan ng alert order.

Nang eksaminin o siyasatin, natuklasan na ang shipment ay binubuo ng 980 master cases ng mga brand na illicit cigarette gaya ng More, Mighty, D&B and Marvel na nagkakahalaga ng higit P6 milyong.

Sinabi ni Austria na naka-consign ang shipment sa isang Goldsmith Trading, inisyuhan na rin ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) dahil sa paglabag sa Executive Order No. 245.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *