Higit P200,000 halaga ng iligal na paputok, winasak sa Laguna

Higit P200,000 halaga ng iligal na paputok, winasak sa Laguna

SINIRA ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang P235,000 halaga ng iligal na paputok na nakumpiska sa pinaigting na operasyon sa Laguna.

Pinangunahan ni Police Colonel Rogarth Campo, acting Provincial Director ng Laguna PPO ang pagsira sa mga iligal na paputok sa Kampo Heneral Paciano Rizal sa Sta. Cruz.

Kabilang dito ang kwitis (kabasi), mother rockets (boga), large size Judas Belt (Goodbye Philippines), giant whistle bomb, giant bawang.

Gayundin ang Lolo Thunder, pla-pla, Five Star, poppop at piccolo.

Nakumpiska ang mga ito dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng R.A 7183 o Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter