dahon ng marijuana
Metro

Higit P1-M tuyong dahon ng marijuana, nasabat ng PDEA sa Cubao

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang aabot sa higit P1-M halaga ng tuyong dahon ng marijuana sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City ngayong umaga.

Ayon sa mga tauhan ng PDEA, nakatanggap sila ng tip na may darating na kontrabando mula sa Tabuk, Kalinga dahilan upang magsagawa sila ng operasyon.

Nakuha naman mula sa suspek na si Karlo Ricafrente na taga-Pasig City ang nasa sampung kilo ng marijuana bricks na isinilid sa isang karton at may street value na aabot sa P1.2 milyon.

Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa paglabag sa iligal na droga.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *