police personnels PNP
National

Higit 70k pulis idineploy sa buong bansa ngayong Semana Santa


Nagpakalat na ang Philippine National Police (PNP) ng nasa 70,000 pulis sa buong bansa para magbigay-seguridad sa publiko ngayong Semana Santa.
Sinabi ni Police Community Relations Group Public Information Officer Supt. Elmer Cereno na kasama sa ideneploy ang mga pulis na naka-civilian clothes.
Aniya, magpapatrolya ang mga ito beinte kuwatro oras sa matataong lugar gaya ng malls, resorts, mga pantalan at terminal ng mga bus.
Binalaan din ng PNP ang mga pulis na iwasang magtsismisan at madalas na paggamit ng cellphone samantalang naka-duty.
Kaugnay nito, nakaalerto na rin ang PNP-Drug Enforcement Group (DEG) ngayong bakasyon.
Ayon kay PNP-DEG Chief Graciano Mijares, partikular nilang tututukan ang bentahan ng droga sa mga resort.
Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga magbabakasyon at ang kaliwa’t kanang mga summer party, kung saan ay posibleng kumalat ang party drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *