Higit 5,700 contact tracers, nakatakdang ideploy sa NCR —DILG

Higit 5,700 contact tracers, nakatakdang ideploy sa NCR —DILG

TINATAYANG nasa 5,754 contact tracers ang na-hire sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) Worker ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang nakatakdang i-deploy sa National Capital Region (NCR).

Una rito, lumagda ng kasunduan ang DOLE, Department of Interior and Local Government (DILG), at Metro Manila Development Authority (MMDA) upang palakasin ang pagha-hire ng contact tracers.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nakatakdang ideploy sa  iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang halos 6,000 contact tracers.

Dagdag pa ni Malaya, mula sa naturang bilang, nasa paunang isang libong (1,000) contact tracers ang sisimulang i-deploy sa National Capital Region ngayong linggo.

Ito ay pagkatapos ang pagsailalim ang mga ito sa pagsasanay.

Kaugnay nito, inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año na ang pagsisimula ng pagtatrabaho ng mga bagong contact tracer, ay simula na rin ng dagdag na alalay at pag-asa na makakabangon muli ang bansa mula sa nararanasang pandemya.

Naniniwala naman si DOLE Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III na ang contact tracing ay isa sa key measures upang mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Base sa pinirmahang kasunduan, magtatrabaho ang nasabing contact tracers sa loob ng tatlong buwan.

Makatatanggap naman ito ng sahod na P537 kada araw.

Mababatid na mahigit P280 million ang nakalaang pondo ng DOLE para sa naturang programa.

Samantala, sa ilalim din ng nabanggit na kasunduan ng tatlong ahensya, tungkulin naman ng MMDA na umasiste sa pagpapalaganap ng wastong impormasyon patungkol sa hiring ng contact tracers at pagmomonitor sa implementasyon ng naturang programa.

(BASAHIN: DOLE at DILG, nagtutulungan para sa pagkuha ng contact tracers)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *