Higit 500,000 doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng pribadong sektor, dumating na sa bansa

Higit 500,000 doses ng AstraZeneca vaccine na binili ng pribadong sektor, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang 502,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na binili ng pribadong sektor.

Alas 9:30 kaninang umaga nang lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang China Airlines Flight CI 701 lulan ang latest vaccine shipment.

Ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19, ang nasabing batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ay binili ng pribadong sektor sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government sa ilalim ng “dose of hope” initiative.

Sa ngayon, nakatanggap na ang pilipinas ng mahigit 53 milyong doses ng iba’t ibang bakuna kontra COVID-19 simula noong Pebrero.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *