Higit 3,000 katao sa Masbate, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DOLE

Higit 3,000 katao sa Masbate, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DOLE

TUMANGGAP ng tulong pinansyal mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang higit 3,000 katao sa Masbate.

Nasa kabuuang P43.2 milyong halaga ng ayuda ang  ipinamahagi ng DOLE para sa taga-Masbate na naapektuhan ng Bagyong Jolina.

Tumanggap ang 3,600 displaced o disadvantaged Masbateño workers kabilang na ang  returning OFWs at Youth interns ng  livelihood assistance mula sa nasabing ahensiya.

Ang mga naturang ayuda na inilabas na budget ng DOLE para sa  pangkabuhayan programs, gaya ng  DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) ay umabot sa  P3.3 million  at ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ay umabot naman sa P34.8 million.

Ang distribusyon ng tulong pinansyal sa Masbate ay pinangunahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III, Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac at iba pang mga opisyal ng naturang kagawaran.

Iginawad din sa halos P240,000 ang DOLE–AKAP assistance at social benefits para sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs).

Tumanggap din ng tulong pinansyal ang mga piling vaccinated essential workers ng bicycle units na may kumpletong  accessories at mobile phones sa ilalim ng  DILP’s Bike-Cination Project.

Nagpaala si Secretary Bello na ang perang ipinamamahagi ay pera galing din sa mga benepisyaryo na ibinabalik lang sa mga ito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *