paghagupit
International

Higit 23 katao, patay habang 17 pa ang nawawala sa paghagupit ng bagyong Hagibis sa Japan

UMAABOT na sa mahigit dalawampu’t tatlong katao ang patay habang labing pito pa ang nawawala sa paghagupit ng bagyong Hagibis sa Japan.

Tiniyak ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na kanilang ginagawa ang lahat ng makakaya para matulungan ang mga apektado ng bagyo.

Nagdeploy na ang Japan ng nasa dalawampu’t pitong libong sundalo at mga rescue workers para sa relief operations.

Sa ngayon ay nasa 150,000 na mga residente pa rin ang walang suplay ng kuryente dahil sa nasabing bagyo.

Maraming lugar pa rin sa Japan ang lubog sa tubig baha gaya sa bayan ng Hakone at sa Central Nagano.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *