Higit 1-M doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, inaasahang darating ngayong-araw sa bansa

Higit 1-M doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, inaasahang darating ngayong-araw sa bansa

INAASAHANG darating ngayong-araw sa bansa ang panibagong batch ng higit 1-M doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na donasyon ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng Covax facility.

Nasa kabuaang 1,196,910 doses ng bakunang Pfizer vaccine ang inaasahang darating ngayong-araw sa bansa.

Sakay ng Emirates Airlines Flight EK 332 ang nasa kabuang 924,300 doses ng Pfzier COVID-19 vaccine sa Terminal-3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang mga naturang bakuna ay donasyon ng Amerika sa Pilipinas sa pamamagitan ng Covax.

Habang ang ikalawang batch ng bakunang Pfizer na nasa kabuuang 272,610 na binili ng Pilipinas ay darating mamaya 9:00 ng gabi sakay ng Air Hongkong Flight lD 456 sa NAIA Terminal-3.

Matatandaan kahapon ng hapon nasa kabuaang 918,450 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang dumating sa bansa na donasyon parin sa Pilipinas mula Covax.

“We’re really proud to be part of this effort here in the Philippines to vaccinate the Filipino people including teenagers and children so we can get them back to school,”ayon kay US Embassy Chargé d’Affaires Heather Variava.

Pinapasalamatan naman  ni  NTF against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang US government, Covax, World Health Organization, at Unicef dahil sa panibagong shipment ng donasyon na bakuna.

“We are very thankful that our 100 million target will be achieved considering that we have faithful allies that really wanted to help us in this time of need,” ayon kay Galvez.

SMNI NEWS