bangayan
National

Hidwaan ng NFA council at NFA chief, dapat tapusin

PINAPASANTABI ng Kamara ang bangayan nina NFA Administrator Jason Aquino at NFA council.

Ito ang iginiit ni House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexei Nograles.

Matapos pumalo sa 6.4 percent ang inflation rate ng bansa noong Agosto.

Sinabi ni Nograles na dapat tapusin na ng NFA council at ni Aquino ang kanilang hidwaan.

Sa halip aniya ay magtulungan para tugunan ang kakulangan sa suplay ng bigas na dahilan ng pagsirit ng presyo nito.

Samantala, isinisi naman ni NFA spokesperson Rex Estoperez sa economic managers ng Duterte Administration.

Dahil aniya sa kasalukuyang sitwasyon sa supply at presyo ng bigas sa bansa.

Ayon kay Estoperez, magkakaiba ang posisyon at pananaw ng mga economic managers.

Kaugnay sa pag-aangkat ng bigas ng NFA at sa pagtaas ng bili sa aning palay ng mga lokal na magsasaka.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *