Hidilyn Diaz, nag back-out sa weightlifting event sa Uzbekistan

Hidilyn Diaz, nag back-out sa weightlifting event sa Uzbekistan

NAGBACK-OUT si Filipina Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz mula sa World Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan.

Inanunsyo ito ni samahang Weightlifting sa Pilipinas President Monico Puentevella.

Nakatakda sanang isagawa sa susunod na buwan ang event subalit dahil sa wala umanong sapat na paghahanda si Diaz, minabuti nalang nito na umatras.

Simula ng dumating sa Pilipinas mula Tokyo Olympics si Diaz, hindi na umano ito gaanong nakakapag-training ayon kay Puentevella.

Matatandaang mahigit dalawang taon na ring nag-training sa Malaysia si Diaz upang masungkit ang gold para sa Pilipinas mula sa Tokyo Olympics.

Samantala, magpapadala parin naman ang pilipinas ng representante sa naturang World Weightlifting Championship at ito ay si Elreen Ando ng Cebu City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *