police recruits
Metro

Hepe ng NCRTC, sinibak dahil sa pag-iinuman ng mga police recruits

SINIBAK na sa posisyon ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa ang hepe ng National Capital Region Training Center dahil sa pag-iinuman ng 16 na police recruits nito sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay Gamboa, Enero 29 nang nangyari ang drinking session sa loob ng dormitoryo kung saan ipinost pa ito sa social media.

Partikular sa inalis sa pwesto ni Gamboa si NCRTC Director Lt. Col. Nelvin Ricohermoso at 14 pang pulis na kabilang sa Regional Training Group ng NCRTC.

Sinabi ng PNP Chief na patunay ito ng misbehavior ng mga bagong recruits lalo na at may direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat nag-iinuman sa pampublikong lugar ang mga pulis.

Dagdag pa ni Gamboa na kahit nakapasa pa sa training ang 16 na police recruits ay hindi na sila papayagang makapanumpa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *