Health Sec. Duque, naka-home quarantine dahil sa COVID-19

Health Sec. Duque, naka-home quarantine dahil sa COVID-19

NAKA-home quarantine ngayon si Health Sec. Francisco Duque.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang senior official ng Department of Health.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, asymptomatic naman ang kalihim at sumailalim na sa test para sa COVID-19.

Kasalukuyan aniyang nakawork from home ang kalihim.

Samantala, nagpositibo sa COVID-19 ang isang Filipino worker sa Macau.

Batay sa official website ng gobyerno ng Macau, kasalukuyan nang naka-quarantine sa isang hospital ang 31 anyos na Pinoy na isang hotel restaurant worker.

Ayon sa mga otoridad sa nasabing Chinese Special Administrative Region, huling nagreport sa trabaho ang Pinoy noong Enero 26 at umuwi sa Pilipinas para magbakasyon hanggang March 15.

Bumalik aniya ito sa Macau noong Marso 16 at nagpaospital ng mga sumunod na araw matapos magpakita ng mga sintomas gaya ng lagnat at sakit ng ngipin.

Dahil dito, ipinag-utos na ang pagdis-infect sa public areas na tinitirhan ng Pinoy,  pag-alam sa travel history nito at pagtukoy sa mga nakasalamuha nito simula ng pagdating sa Macau.

Sa ngayon, ang Pinoy na ang 15 kaso ng sakit sa Macau.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *