Harry Styles
Showbiz

Harry Styles, magpapahinga muna pagkatapos ng kanyang world tour

Emosyonal na nagpasalamat ang singer na si Harry Styles  sa kanyang mga fans sa suporta na ipinakita sa kanyang karera sa music industry.

Nangyari ito sa kanyang huling performance bilang pagtatapos ng kanyang world tour na ‘Harry Styles: Live On Tour.’

Ayon sa former member ng One Direction, bihira lamang ang mga solo artist na galing sa isang boy band ang nagtatagumpay.

Ito ang dahilan kung kaya’t labis ang pasasalamat niya sa mga fans dahil sa umaapaw nilang suporta noong napagdesisyunan nitong umalis na sa grupo.

Ayon sa kanya dahil sa mga fans, kaya’t siya ay nagpapatuloy pa rin sa kaniyang music career.

Dagdag pa ni Harry, siya muna ay magpapahinga upang mag focus sa paggawa at pag papaganda pa ng kaniyang musika.

Maliban sa Estados Unidos, kabilang sa mga bansa na inikot ni Harry sa kanyang world tour ay ang Switzerland, France, Belgium, Sweden, Denmark, Norway, Spain, London, Germany, Italy, Australia, Ireland, Pilipinas, Sinagpore, Hongkong, Thailand, Japan, Argentina, Brazil at Mexico.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *