Metro Manila
Metro

Hangin sa ilang lugar sa Metro Manila, unhealthy dahil sa ash fall

HINDI maganda ang kalidad ng hangin sa ilang lugar sa Metro Manila dulot ng ash fall na nanggaling pa sa pagsabog ng Bulkang Taal sa Talisay, Batangas.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), pinakadelikadong lugar para sa mga may iniindang karamdaman dahil sa hindi magandang kalidad ng hangin ang Mandaluyong City, Taguig City at Las Piñas City.

Sinasabing delikado ang nasabing mga lungsod para sa may mga may bronchitis, emphysema o asthma.

Nakakuha naman ng air quality na moderate o tama lang ang Makati City, Parañaque City, at Pasig City.

Habang good quality naman ang nakuha ng Malabon City at San Juan City.

Kaugnay nito, muling inabisuhan ng DENR ang publiko na mag-ingat at magsuot ng maskara’t goggles kung lalabas.

Sinusuplay na tubig sa Metro Manila, tiniyak na malinis

Tiniyak ng Manila Water na malinis ang tubig na isinusuplay sa mga kostumer sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ginawa ito ng Manila Water kasunod ng naranasang ash fall sa mga lugar dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Ang Manila Water ay nagbibigay serbisyo sa mahigit anim na milyong katao sa dalawampu’t tatlong lungsod at bayan, kabilang ang Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, malaking bahagi ng Quezon City, ilang bahagi ng Manila, gayundin ang mga bayan ng Angono, Antipolo, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jalajala, Morong, Pililla, Rodriguez, San Mateo, Tanay, Taytay, at Teresa sa lalawigan ng Rizal.

Naglaan din ang Manila Water ng tatlumpung water tanker sa iba’t ibang evacuation sites sa Southern Luzon na naapektuhan ng pagputok ng Bulkan Taal.

Ang mga water tankers na gagamitin ay pupunuang muli ng Laguna Water hangga’t kinakailangan ng mamamayan sa suplay.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *