2019 SEA Games
Sports

Handover ceremony ng hosting ng Pilipinas sa 2019 SEA Games, all set na

NAKATAKDA ngayon araw ang pormal na handover ceremony ng hosting ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian o 2019 SEA Games.

Opisyal na tatanggapin ng Pilipinas ang SEA Games flame mula sa nakaraang host na Malaysia, na siyang hudyat sa countdown para sa pagsisimula ng regional meet sa Nobyembre 30.

Pormal na tatanggapin ni Philippine Olympic Committee Board Member Cynthia Carrion ang flame mula kay Malaysia Olympic Committee President Norza Zakaria sa gaganaping seremonya ng pagsisindi ng lantern na idaraos sa Malaysia.

Matapos ang seremonya sa Malaysia ay dadalhin na ang torch sa Pilipinas para simulan naman ang serye ng mga torch relay sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kasama sa magiging ruta ng mga torch relay ang Davao, Cebu, Manila, at Clark, maging sa Kamara, Senado, at Malacañang.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *