Higit P70-B, inilaang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccines

Higit P70-B, inilaang pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccines

SINIGURADO na ng mga mambabatas na may pondo para sa COVID-19 vaccines na nakapaloob sa 2021 National Budget.

Ito ang tiniyak ni Department of Budget and Management Sec. Wendel Avisado sa panayam ng SMNI News.

“Actually, P72.5 (bilyon). Subalit ‘yung 2.5 bilyon ay sigurado nasa batas  ‘yon, Republic Act 11518, ‘yun ang ating General Appropriations Act for 2021. ‘Yon namang P70 bilyon nasa unprogrammed ‘yon. Ibig sabihin kokolektahin ng Department of Finance ‘yan or combination of borrowings,” pahayag ni Avisado.

Ayon kay Avisado, tinatayang aabot sa 70 to 80 milyong katao naman ang mapapabakunahan mula sa nasabing budget.

“70 to 80 million. ‘Pag na-vaccinate na po ang mga between 70 to 80 million Filipinos para bang na-established na natin ang lebel na hindi na basta-bastang maapektuhan ang ating mga kababayan sa virus na ito,” ani Avisado.

Nilinaw naman ni Avisado na sakop ng 70 to 80 milyon na mababakunahan ang lahat ng vulnerable at poor sectors ng lipunan.

“Sinusunod lang natin ang world standard, ang World Health Organization. So, bali pagka na-established mo na ‘yan, nakuha mo na ‘yung pinaka-vulnerable sector ng ating bansa,” aniya pa.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *