lalawigan ng Aklan
Regional

Halos 4, 000 kaso ng dengue, naitala sa lalawigan ng Aklan

UMAABOT sa halos 4, 000 kaso ng dengue ang naitala sa lalawigan ng Aklan mula Enero 1 hanggang Agosto 3, 2019.

Batay sa rekord ng Aklan Provincial Health Office (PHO), nasa 3,877 na ang kaso ng dengue sa lalawigan sa Loog ng walong buwan, mas mataas ito ng 294% kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Umaabot na sa labing walong katao ang nasawi sa Aklan dahil sa dengue.

Nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng dengue ang bayan ng Kalibo na may 816; sinundan ng Banga na may 396; Washington na may 344; Balete na may 310, at ang Numancia na may 284 na kaso.

Sa ngayon, nananatiling nakataas sa dengue outbreak ang buong lalawigan ng Aklan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *