Independence Day job fair
National

Halos 30, 000, nabigyan ng trabaho sa Independence Day job fair

NASA halos tatlong libo aplikante ang nabigyan ng trabaho “on the spot” sa ikinasang Independence Day job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa buong bansa noong Hunyo 12.

Sa datos na inilabas ng DOLE, nasa 2,818 aplikante ang “hired on the spot”.

Matatandaan na mahigit sa 70,000 bakanteng trabaho ang inialok ng DOLE para sa mga Pilipino noong Araw ng Kalayaan.

Marami sa mga job vacancies ay mga posisyon sa gobyerno at marami rin ang sa abroad.

Ayon sa DOLE, nasa 22,000 lang ang lumahok sa job fair at karamihan umano sa mga aplikante ay kulang pa sa training at kailangan din kumuha ng mga dagdag na pagsusulit, habang ang iba naman ay kulang ang requirements na dinala sa job fair.

Gayunpaman, umaasa ang ahensiya na mabibigyan din ng trabaho ang nasa 9,000 aplikante na kasalukuyang pinoproseso ang aplikasyon.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *