Gyms, review centers, at iba pang negosyo, papayagan nang magbukas

Gyms, review centers, at iba pang negosyo, papayagan nang magbukas

PAPAYAGAN nang magbukas ang gyms, personal grooming services, testing, tutorials, review center at ilan pang negosyo simula ngayong araw, Setyembre 1.

Ito ang kinumpirma ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez sa Laging Handa public briefing.

Aniya, ang pagbubukas ng ekonomiya ay kasabay ng pagpapatupad ng mahigpit na safety protocols at hindi ibig sabihin na maging pabaya na ang taumbayan dahil nariyan pa rin aniya ang banta ng nakamamatay na coronavirus disease o COVID-19.

Sa mga negosyo sa ilalim ng GCQ, tinatayang nasa 75% ang binuksan habang 94% naman kung pigura ng sektor ang pagbabasehan.

Samantala, base doon sa pagbisita sa mga workplaces, sinabi ni Lopez na ang maraming transmission ay natukoy na nagmumula sa canteen, smoking areas, at shuttle buses.

Una nang inirekomenda ng DTI na wala nang kakain sa loob ng canteen, sa halip, magdadala na lang ng foodpack  at  dadalhin na lamang sa workplace.

Gayunman, ikinokonsidera naman ng DTI ang ilang adjustments o suhestyon mula sa pribadong sektor ukol sa pagpapatupad ng health at safety protocols sa workplaces.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *