Guro  na nag-post ng malisyosong larawan laban kay Pang. Duterte, humingi  ng tawad sa publiko

Guro na nag-post ng malisyosong larawan laban kay Pang. Duterte, humingi ng tawad sa publiko

HUMIHINGI ng kapatawaran ang isang guro dahil sa malisyosong post nito sa social media laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ang guro na si Laarni Villaluz ng Maryhill College sa Lucena City.

Unang ipinost sa social media ni Villaluz ang isang edited na larawan na nakadapa ang pangulo habang kumakain ng dog food.

Malinaw na ang orihinal na photo ay ang pagbisita ng pangulo sa Jolo, Sulu kung saan humalik ito sa lupa bilang respeto sa mga kapatiran mga Muslim at sa mga biktimang namatay sa magkasunod na pambobomba sa nasabing lugar.

 

Posted by SMNI News on Sunday, August 30, 2020

 

Ang edited photo kung saan pinagmumukhang aso ni Villaliluz ang pangulo ay nag-viral sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Galit ang karamihan sa tinuran ng guro laban kay Pangulong Duterte.

Ayon sa ilan, hindi raw sapat ang kaniyang sorry dahil sa idinulot nitong kawalan ng paggalang sa pangulo at sinabing dapat na maging magandang halimbawa ito sa kaniyang mga estudyante.

Habang ang isa naman bagama’t ipinagtanggol at sinabing ang lahat ay may karapatan na patawarin ngunit iginiit na hindi ito karapat-dapat na maging guro.

Para naman sa isa pang netizen, sinabi nitong maaaring magsabi ang tao ng sorry ng makailang beses pero sana raw ay nag-isip muna ito bago mag-post, think before you click, ika nga.

Sa ngayon aminado si Villaluz na hindi siya nag-isip sa kaniyang ginawa  at lubos din nitong tinatanggap ang kawalan ng galang sa pangulo matapos ang insidente.

Humingi rin ito ng paumanhin sa kaniyang pamilya dahil sa aniya’y kahihiyang idinulot ng kaniyang post sa social media.

Nagpaabot din siya ng mensahe sa Department of Education at sa buong komunidad ng mga guro sa bansa dahil sa kumalat na larawang tumutuligsa kay Pangulong Duterte.

At sa kaniyang mga estudyante, batid aniya nito ang pagkadismaya ng lahat sa kaniyang ginawa at posibleng nag- iba na ngayon ang tingin  ng mga ito sa kaniya bilang kanilang guro.

Nakahanda rin si Villaluz na tanggapin ang magiging desisyon ng mga  otoridad kaugnay sa kaniyang tinuran.

Samantala, nagbigay na ng opisyal na pahayag ang eskwelahan kung saan nagtuturo si Villaluz.

Ayon sa inilabas nitong statement, kinondena nito ang ginawa ni Villaluz kay Pangulong Duterte at sinabing hindi nito hahayaan ang anumang gawain ng kanilang mga tauhan na labag sa batas, sa moralidad at mga polisiya ng gobyerno.

At bilang isang Catholic school, iginiit nitong, nananatili ang kanilang pagpapahalaga sa kagandahang asal na isa sa maraming halimbawa ng Catholic teachings.

“We deeply regret the recent incident being attributed to one of our school teachers relatively to an online post that has gone viral depicting the President of the Republic of the Philippines in a disrespectful and distasteful manner. The Maryhill College, Inc. does not and will not countenance any act – contrary to law, morals or public policy – by any of its personnel,”

“As a Catholic Marian Institution, we reiterate our school’s commitment to promote and uphole our core values – particularly the practice of the Marian virtues such as humility, charity, and respect for persons. In line with the Catholic Church’s teachings, we work relentlessly to inculcate among our employees and students the value of conducting their daily affairs with integrity and in accordance with Christian moral principles.”

MaryHill College, Inc.

Nilinaw din ng paaralan na nagpalabas na sila ng administrative action para kay Villaluz pero hindi na nito pinaliwanag ang nasabing aksiyon na ginawa.

Samantala, wala pang opisyal  na pahayag ang Department of Education hinggil sa nasabing insidente.

Matatandaang, nito lamang nakaraang mga buwan, isang guro din ang naipakulong at kalauna’y nakalabas din dahil sa ginawang hamon nitong pagpatay kay Pangulong Duterte, sa halagang P50 milyon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *