Gumagala na ostrich, agaw-pansin sa Quezon City

Gumagala na ostrich, agaw-pansin sa Quezon City

NAKUHANAN ng video ng ilang residente ang tila’y pagliliwaliw ng isang ostrich sa isang subdivision sa Quezon City.

Nagdulot ng takot sa ilang residente ang pag-iikot nito na parang bang tuwang-tuwa pa nang ito’y nakatakas.

Video courtesy: Dino Rivera

 

Sa pag-iikot ng ostrich ay muntik na itong makalabas ng gate na agad namang naharang ng security guard.

Biro pa ng sekyu, na hindi raw pwedeng lumabas ang ostrich dahil wala itong ID at gate pass.

Ayon sa uploader na residente sa lugar, alaga umano ito ng kanilang kapit-bahay na residente din doon.

Sa ngayon ay ligtas na nahuli ng mga sekyu ang naturang ostrich.

SMNI NEWS

 

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *