e-cigarettes at vapes
Health National

Guidelines sa pagpatutupad ng e-cigarettes at vapes ban, inilalatag na

PINAGBABAWAL na ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng e-cigarettes at vapes lalo na sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay DOH Usec. Eric Domingo, nire-regulate na ng DOH ang mga e-cigarettes dahil may administrative order na ito.

“Unang -una gusto natin e-regulate na ang mga produktong ito, kailangan nakarehistro at alam natin kung anu ‘yung contents niya bawal din siyang e-advertise tsaka ibenta lalo na sa mga kabataan at pangalawa dahil may order na bawal ang paninigarilyo sa public places at ito naring mga vape ay ibabawal po natin sa pampublikong lugar,” pahayag ni Domingo.

Nakapaloob sa Administrative Order 2019-0007 na bawal ang paggamit ng Electronic Nicotine and Non- Nicotine Delivery System (ENDS).

Isusunod naman ang guidelines na gagamitin sa pag-ban sa ganitong klase ng sigarilyo sa Section 4 of Executive Order 26 na kung saan ipinagbabawal ang paninigarilyo sa paaralan, workplaces, government facilities, simbahan, ospital, transport terminals, palengke at parke.

Nakasaad din sa administrative order na dapat kumuha muna ang mga manufacturer at distributor ng lisensya sa Food and Drug Administration bago magtinda, mag-export o import sa mga produkto na nakapaloob sa ENDS.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *