GSIS, naglunsad ng multipurpose loan para sa mga miyembrong apektado ng pandemya

GSIS, naglunsad ng multipurpose loan para sa mga miyembrong apektado ng pandemya

NAGLUNSAD ang Government Services Insurances System (GSIS) ng multipurpose loan para sa mga miyembro, partikular ang mga nagigipit sa budget ngayong may pandemya.

Sa pulong balitaan ngayong araw, inilahad ng GSIS ang kanilang programang inilunsad na maghahatid ng ginhawa sa kanilang mga miyembro sa panahon ng pandemya.

Ibinahagi naman ni GSIS Executive Vice President for Core Business Sector Nora Malubay kung ano nga ba ang multipurpose loan (MPL).

Sinabi pa nito, ang hindi kasali sa naturang loan ay ang housing loan at policy loan.

Kabilang naman sa loans ng GSIS-MPL na maaring ma-consolidate ay ang sumusunod.

  • Salary Loan (SBL)
  • Restructed Salary Loan (RSL)
  • Enhanced Salary Loan (ESL)
  • Emergency Loan Assistance (ELA)
  • Summer One-Month Salary Loan (SOS)
  • Conso-Loan Plus/Enhanced Conso-Loan Plus
  • Member’s Cash Advance/Ecard Cash Advance) Stufyecard Plus Cash Advance
  • Home Emergency Loan Program (HELP)
  • Education Assistance Loan I and II (EAL I/II)
  • Fly Pal, Pay Later (FPPL )
  • Stock Purchase Loan (SPL)

Layon ng multipurpose loan na i-consolidate ang lahat ng kanilang loans at may 1-time donations ng penalties.

Ayon kay Executive Vice President Malubay na aabot sa tatlong milyong piso ang maaring ma-avail ng member-borrowers sa programang MPL.

Kausunod nito, handog ng GSIS ang pagpapautang na may mababang interest sa lahat ng member-borrowers sa pamamagitan ng naturang programa.

Maaari namang bayaran ng mga member-borrower ang GSIS MPL ng hanggang sampung taon na dati rati ay nasa pitong taon lamang.

Upang maka-avail sa GSIS MPL, kinakailangan ang bawat miyembro ay mayroong 6 months na nabayarang premiums, walang leave of absence o tinatawag na leave without pay, walang pending administrative o criminical case.

Sa mga nagnanais na mag-apply sa GSIS MPL, puntahan lamang ang mga drop boxes sa lahat ng GSIS offices nationwide o bisitahin ang kanilang official website.

SMNI NEWS