Grupo ni Thirdy Ravena, nakatanggap ng back-to-back na pagkatalo sa Japan B League

Grupo ni Thirdy Ravena, nakatanggap ng back-to-back na pagkatalo sa Japan B League

OPISYAL nang nasipa ang grupo ni Thirdy Ravena na San-En Neophoenix 2020-2021 Japan B League matapos itong makatanggap ng magkasunod na pagkatalo laban sa Akita Northern Hapinets.

Sa ikalawang magkasunod na laro ngayong holiday season, parehas na natalo si Ravena at ang grupo nito sa isang lopsided defeat na nagtapos sa iskor na 85-53.

Sa huling laro ay nakapagtala lamang ang Pinoy import ng five points, four rebounds at five assists para sa Neophoenix.

Sa kabila nito ay mayroon pa ring aabangan si Ravena dahil sa lalahok naman ito sa B. League all-star game at slam dunk contest na gaganapin sa January 15 at 16 sa Mito, Japan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *