Metro

Groundbreaking ng LRT-1 extension isinagawa ngayon


Isinagawa ngayong araw ang groundbreaking ceremony ng LRT-1 Cavite Extension Project sa Parañaque City.
Pinangunahan ito nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at dating Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary at ngayo’y Light Rail Manila Corporation President Rogelio Singson.
Dumalo rin dito sina Senador Cynthia Villar at ilang lokal na opisyal.
Ayon kay Singson, bahagi ng LRT-1 Cavite Extension Project ang walong karagdagang istasyon mula sa Parañaque City hanggang Bacoor, Cavite.
Inaasahang magiging operational ang LRT-1 extension sa unang bahagi ng 2021.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *