Gretchen Ho
National

Gretchen Ho at Hidilyn Diaz, ikinagulat ang pagkakasama sa matrix ng destabilization plot

LAKING gulat umano ng TV reporter na si Gretchen Ho at ni Olympic weightlifter Hidilyn Diaz ang pagkakasama ng kanilang mga pangalan sa inilabas na matrix ng Malacañang kaugnay sa umano’y destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kaniyang social media account, mariin itinanggi ni Ho na may papel ito sa pagpapabagsak sa kasalukuyang administrasyon.

Iginiit din ng TV personality na hindi niya kilala si alyas Bikoy at si Rodel Jayme na nag-upload ng mga video na nag-uugnay sa Pamilya Duterte sa iligal na droga.

Ganito rin ang naging reaksyon ni Hidilyn Diaz at tinawanan na lamang ang pag-uugnay sa kaniya kay alyas Bikoy.

Sinabi ni Diaz na hindi niya kilala si Bikoy.

Bukod kina Ho at Diaz, tinukoy din ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kabilang din sa diagram sina Sen. Antonio Trillanes IV, publisher na si Ellen Tordesillas, dating Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Cocoy Dayao, CPP-NPA founding chairman Joma Sison, Bong Banal, Arman Potejos at si Rodel Jayme na una nang naaresto ng NBI.

Sa ngayon, wala rin daw balak ang Malacañang na sampahan ng kaso ang mga idinadawit na personalidad.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *