Greenhills Shopping Center, nakatanggap ng Safety Seal certification

Greenhills Shopping Center, nakatanggap ng Safety Seal certification

GINAWARAN ngayong araw ng Safety Seal certification ang Greenhills Shopping Center sa San Juan City dahil sa maayos na pagpapatupad sa mga itinakdang health at safety protocols ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Nakasunod ang Shopping Center sa mga health standards tulad ng paggamit ng contact tracing app, health declaration, temperature check at paglalagay ng mga hand sanitizers.

Mahigpit ding ipinatutupad sa loob ng mall ang ang pagsusuot ng face mask at face shield at pagsunod ng social distancing.

Mayroon ding maayos na ventilation at madalas na disinfection at sanitation sa mga madalas na hinahawakan.

Maliban sa mall ay binigyan rin ng Safety Seal certification ang mga establisimyento sa loob nito.

Magugunita na Mayo 6, 2020 nang maitala ang unang local transmission ng COVID-19 sa bansa sa San Juan City kung saan isang residente na pumunta sa isang Muslim prayer hall sa loob ng Greenhills Shopping Center ang nagpositibo sa naturang sakit.

Kaya naman mahalaga para sa San Juan LGU ang nangyaring paggawad ng Safety Seal certification sa naturang mall.

Una nang hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga business owner na mag-apply ng Safety Seal certification sa kanilang mga establishment.

Bukod sa DOLE, kasama ang Department of Tourism (DOT), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), at ang Local Government Units (LGUs) na itinalaga ng pamahalaan para mag-isyu ng Safety Seal.

Matatandaan na nilagdaan ng DILG, DTI, DOT, DOLE at DOH ang  isang Joint Memorandum Circular o ang PH’s Safety Seal certification program.

Ito ay upang tiyakin ang kaligtasan ng nagtutungo sa mga mall at iba pang kahalintulad na establisyimento upang masiguro ang hindi pagkalat ng sakit na COVID-19.

(BASAHIN: Covered staycation hotels, maaari nang mag-operate ng full capacity)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *