Green Chiretta, ginamit na gamot kontra COVID-19 sa Thailand

Green Chiretta, ginamit na gamot kontra COVID-19 sa Thailand

GUMAGAMIT ngayon ng Green Chiretta ang mga bilanggo sa Thailand kontra COVID-19 bilang panlaban sa mild COVID-19 case.

Nagpahayag ang Health ministry ng bansa na ang herbal medicine na Green Chiretta ang gamot sa asymptomatic at mild COVID-19 cases sa mga bilangguan.

Sa ibang lugar ng bansa, kilala ang nasabing herbal bilang king of bitters o paracetamol na pangontra sa flu.

Ayon naman sa Thai corrections department 99% ng inmates na may mild symptoms ng COVID-19 ay gumaling mula sa sakit matapos uminom ng nasabing gamot.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang magandang epekto ng nasabing gamot bilang panangga kontra COVID-19.

SMNI NEWS