P5-M refund
Business

Grab, pinagbabayad ng P5-M refund ng PCC dahil sa sobra-sobrang singil

PINAGBABAYAD ng P5-M refund ng Philippine Competition Commission (PCC) ang kumpanyang Grab.

Ayon sa PCC, ito ay dahil sa sobra-sobra nilang singil na pasahe sa mga pasaherong nag-book sa pagitan ng February hanggang May ngayong taon.

Dagdag pa ng PCC, dapat itong sumunod sa initial price at service commitments matapos bilhin ang Uber noong nakaraang taon.

Ang utos ng PCC ay may petsang November 14, 2019 at binibigyan nito ng dalawang buwan o 60 araw ang Grab upang mag-refund.

Matatandaang noong Enero ngayong taon ay pinagmulta rin ang Grab ng P6.5 milyon dahil naman sa kakulangan ng isinumiteng datos sa fare monitoring.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *