Government officials na gumagamit ng police vehicle para sa pang-personal, binalaan

Government officials na gumagamit ng police vehicle para sa pang-personal, binalaan

BINALAAN ni Senate President Vicente Sotto III ang government officials na gumagamit ng marked police vehicle bilang security escort para sa personal na pakay.

Ito ay matapos mabasa ni Sotto ang Twitter post ni Dating Sen. JV Ejercito na kung saan ay sinabi ng huli na nakakadismaya na may government officials na may kasamang dalawang motorcycle escorts, back up at marked police vehicle para lamang pumunta ng gym at kumain ng almusal.

Sinabihan naman ito ni Sotto na ipaalam ang identity ng opisyal para magisa sa General Appropriations Act Deliberations.

Sinabi naman ni Ejercito na marami pang nasa posisyon ang gumagawa ng nasabing aktibidad.

Matatandaan na sa ilalim ng Philippine National Police Memorandum Circular na inilabas noong 2017, maaari lamang gumamit ng marked police vehicles at motorcycle security escorts ang pangulo, vice president, Senate president, Speaker of the House Representatives, Chief Justice of the Supreme Court at iba pang otorisadong opisyal ng gobyerno at foreign delegates tuwing mayroong national event.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *