Google, nag-alok ng COVID-19 forecast sa bansang Japan

Google, nag-alok ng COVID-19 forecast sa bansang Japan

NAGSIMULA nang mag-alok ng forecast ng pagkalat ng COVID-19 ang US technology giant na Google sa Japan.

Sa forecast na ito ay magkakaroon ng dalawampu’t walong araw na projection ng mga kumpirmadong kaso, pagkamatay at pasyente na kinakailangang ma-ospital maging iba pang datos ukol sa pandemya sa Japan palibot sa 47 prefecture nito.

Ang projections na ito ay inaasahang araw-araw na mai-uupdate sa tulong ng medikal na mga institusyon at administrative authorities.

Matatandaang nagsimulang mag-alok ng COVID-19 forecast ang Google sa Estados Unidos noong Agosto.

Dahil naman dito, ang Japan na ang magiging ikalawang bansa na ico-cover ng nasabing tech giant.

Kaugnay dito, nag-develop ng bagong forecast model ang kompanya upang maipakita ang mga sirkumstansya na kinakaharap ng Japan dahil sa COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *