free Wi-Fi
Metro

Good News sa Caloocan City, may free Wi-Fi na!

INILUNSAD ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ang libreng wireless internet connection o free Wi-Fi sa mga pampublikong lugar ng lungsod.

Ang paglulunsad ng libreng pampublikong wifi ay pinangunahan mismo ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan.

Katuwang ng lokal na pamahalaan sa serbisyong libreng wifi ay ang Infinivan Inc, isa sa pinakamabilis na internet and Wi-Fi provider sa bansa.

Ayon sa Infinivan, 20 internet access points ang nakapalibot ngayon sa New City Hall, Caloocan City Peoples Park, Caloocan Commercial Complex, at University of Caloocan City.

Sa kabuuan ay may kapasidad na 1000 mbps ang wifi system kung saan kaya nitong ma-accommodate 10, 000 users sa layong 80 hanggang 100 metro sa bawat access point.

Samantala, madali naman ang pagkonek sa nasabing wifi, ang gagawin lamang ay i-connect sa city hall free Wi-Fi ang gadget at maari niyo nang ma enjoy ang libreng 25 mbps sa loob ng dalawang oras.

TROY GOMEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *