NBA Finals
Sports

Golden State Warriors, naiangat ang kanilang standing sa NBA Finals

HUMATAW sa Game 5 ng NBA Finals ang defending champion na Golden State Warriors.

Naipanalo ng Warriors ang naging match nito kontra sa Toronto Raptors sa score na 106-105.

Dismayado naman ang Raptors na target na sanang tapusin ang Best-of-Seven Game Series at tuluyang gumawa ng kasaysayan na makuha ang kampeonato sa unang pagkakataon.

Nanguna pa din sa panalo ng Golden State ang star player na si Stephen Curry na kumamada ng 31 points at si Klay Thompson na nakapagbigay ng 26 points.

Tumulong din at nakapagtala ng 11 points ang nagbabalik sa court na si Kevin Durant na hindi nagawang matapos ang laro dahil sa injury nito.

Sunod naman na magkakaharap ang dalawang koponan sa Biyernes, June 14 para sa Game 6.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *