Gobyernong komunista, tinuligsa ni Pastor Apollo C. Quiboloy

Gobyernong komunista, tinuligsa ni Pastor Apollo C. Quiboloy

TINULIGSA ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang gobyernong komunista.

Binulgar ni Pastor Apollo ngayong-araw sa kaniyang programang Powerline ang maruming sistema ng pamamahala na nangyayari sa loob gobyernong komunista CPP-NPA-NDF.

Binigyan diin nito ang mga kalapastanganan na ginagawa ng CPP-NPA-NDF sa mga taong nahuhulog sa kanilang sariling batas.

‘’Ang kaibahan ng gobyerno ng komunistang CPP-NPA-NDF… babarilin ka ng walang awa,’’ayon sa butihing Pastor.

Ayon din kay Pastor Apollo na sa loob ng mahigit na limang dekada, ang mga komunistang terorista ay namumuhay na walang pananagutan sa lahat ng mga ginawang pamamaslang, panggagahasa, panununog at iba pang kasamaang nagdudulot ng takot sa ating mamamayan.

Gayunpaman, kiniwestiyon din ni Pastor Apollo ang mga may akda ng Human Rights Defenders Bill na kinikilalang mga high ranking party mambers ng CPP-NPA-NDF, na di magawang kondenahin ang kawalang hiyaan ng mga may sala.

‘’Itong mga nagsasabing Human Rights Defenders Bill…bakit di niyo magawang makondena ni minsan,’’ayon kay Pastor Apollo.

“Bakit di niyo minimention yung mga grupo ninyo…ganiyan ang gobyerno ninyong iimpose satin dito,’’saad nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *