Gobyerno, naglaan na ng doses ng COVID-19 vaccines para sa booster shots ng health workers

Gobyerno, naglaan na ng doses ng COVID-19 vaccines para sa booster shots ng health workers

NAGLAAAN na nang COVID-19 vaccines ang gobyerno para sa booster shots ng health workers.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

Una rito, sinabi ni Galvez na inilabas na ang recalibrated national vaccination program nito para sa natitirang buwan ng 2021 at sa susunod na taon.

Kasama sa naturang programa ang paglikha ng vaccine security roadmap sa harap ng presensya ng Coronavirus variants at reformulated booster shots.

Kabilang na rin ang pagbibigay ng booster shots sa kanilang plano partikular sa anim hanggang walong buwang vaccination cycle.

Sa katunayan, sambit ni Galvez, handa na ang vaccine doses sa oras na aprubahan ng World Health Organization (WHO) at Department of Health (DOH) ang probisyon ng booster shots para sa medical workers.

Kung matatandaan unang nakatanggap ng vaccine jabs ang mga healthcare worker noong Marso.

Kaya, una ring makatatanggap ang mga ito ng booster shots, ito ay marahil sa buwan ng Nobyembre o ‘di kaya’y maaaring sa Pebrero ng susunod na taon.

Sa ngayon, tinututukan muna ng gobyerno ang pagpapabilis ng bakunahan sa bansa na bumagal ang usad nitong Setyembre bunsod ng mga naantalang delivery ng COVID-19 vaccines at isyu sa manpower gawa ng pagsipa ng mga kaso ng Coronavirus.

Gayunman, tinarget ng pamahalaan na makapagturok ng 600,000 hanggang 800,000 doses ng COVID-19 vaccines bawat araw ngayong huling kwarter ng 2021.

SMNI NEWS